Monday, March 26, 2012

Sweldo ay i-budget

Ang sinusweldo natin sa pagtratrabaho. Kapag maliit ang sahod natin, kulang di ba. Pero nagkakasya. Pero kapag lumaki o nadoble ang sahod natin kesa sa dati. Nakakapagtaka nagkukulang pa din.
Dapat pala nakabudget mas maganda.
Example:
God = 1%
Saving = 10%
Needs = 80%
Insurance = 2.5%
Wants = 6.5%

    = 100%

Budget ng Sweldo
Abuloy sa diyos

    kapag pupunta sa bahay sambahan at sasamba sa diyos, maghandog ng pera para sa abuloy

Saving

    in case of emergency ng hindi mangungutang, may mga di inaasahang mga gastusin na kelangan agad ng pera. Saan ka kukuha, mangungutang. Utangan mo na lang ang sarili mo, mas madali at wala pang tubo. Tapos yung nakuhang pera na naipon mo ay ibalik mo. Isipin mo lang na nagbabayad ka ng utang.

Ang langgam, fox at ibon, nagtatago ng pagkain, kapag nagkaubusan ng pagkain, kinukuha nila ang itinago. At ibinabalik kapag sagana sa pagkain.
Ganun din dapat, kelangang may ipon na pera na magagamit sa loob ng 6 na buwan, in case na nawalan ka bigla ng trabaho, at kapag nagkatrabaho na ay ibalik ulit ito, na para bang may utang ka na dapat bayaran.
Fixed needs(food, water, kuryente, pamasahe)

    dapat pala nakabudget na agad ito sa sweldo, fixed na talaga ang budget nito. I budget talaga.

Huwag sosobra ang gastos kaysa kinikita upang hindi magkaroon ng utang.
Insurance

    napakahalaga pala nito. Hindi mo alam ang mangyayari bukas. Binabalewala ito ng iba. Ganun din ako.

Wants

    maliit na porsyento lang ito. Pero maganda din na nakakaipon nito at least habang tumatagal, naiipon, pwede mo nang mabili ang gusto mo.

Other advise:
Healht

    ingatan ang sarili. Huwag magbisyo. Alagaan ang kalusugan. Mahirap magkasakit. Makakaramdam ka ng masakit. Isipin mo na lang, tinutusok ka ng karayom sa tiyan, pinitpit ka ng martilyo sa paa, inumpog mo ang ulo mo sa pader. Ganyan araw-araw ang dinadanas ng may sakit. Hindi pa makatulog sa gabi, masakit ang nararamdaman. Kaya iwasan ang dahilan ng pagkakasakit, napakasakit ang mararanasan

No comments:

Post a Comment