Sangkap:
Bawang,
sibuyas,
karne,
puso ng saging,
tubig,
asin,
sotanghon,
bitsin,
magic sarap.
Tanggalin ang mga makapal na balat (talupan). Hiwain ang puso ng saging.
Lagyan ng asin, para mawala ang pakla.
Pigain ang puso ng saging. Para lumabas ang katas.
Ayan lumabas na ang katas.
Pigain at alisin ang katas.
Ganito ang kalalabasan.
Ihanda ang sotanghon.
Ibabad muna sa tubig para lumambot.
Lutuin muna ang karne o taba ng baboy, para lumambot agad.
Lagyan ng tubig ang kawali at ilagay ang karne.
Haluin ang karne.
Igisa ang bawang at sibuyas. Kasama na yung karne.
Ilagay ang puso ng saging.
Lagyan ng asin at tubig.
Takpan muna
Ilagay ang sotanghon.
lagyan ng bitsin at magic sarap.
Luto na.
No comments:
Post a Comment