Monday, March 26, 2012

Suman na Balinghoy (kamoteng kahoy)

Sangkap:
1. Balinghoy (kamoteng kahoy)
2. Alangan (niyog)
3. Asukal
4. Vanilla
5. Dahon ng saging
Paraan:
1. Yadyarin ang balinghoy


2. Gumamit ng tela o katsa ng harina, upang pigain ang balinghoy at tumulo ang katas.

3. Paghiwahiwalayin.

4. Ang katas ay patiningin ng mga kalahating oras.

5. Itapon ang katas at kunin ang puti na natira.

6. Isama ang puti sa balinghoy.

7. Ihalo ang niyog na alangan.

8. Ihalo ang vanilla.

9. Ihalo ang asukal.

10. Haluin

11. Isuob ang dahon sa apoy para lumambot at di masira sa pagbalot ng suman.






Ibalot sa dahon.
Lagyan ng tubig, at pakuluan
Luto na.

1 comment:

  1. Usually when your air conditioner goes out it is on the hottest day of the year and you need service fast. It is a good idea to already have an idea who you are going to call when this happens, otherwise you can be stuck with putting your trust into the first service that you get in touch with.

    Air conditioner repair West Lake

    ReplyDelete