Ayaw umandar ng genset
1. Nasunog ang module ( ibinaba ang fuse ng module, para direkta na)
2. Check ang battery ( ok, 12.9 volts)
3. Rekta sa starter, pinag short lang at gumawa ng wire na pang shorted. (ayaw umandar, naiikot lang ang fan ng radiator)
4. Rekta ang Injection Pump. (umandar, ayos na)
Note: Sa pagrekta ng injection pump, gumamit ng dalawang wire, para direkta ang linya sa battery.
Para malaman ang positive ng injection pump, habang nakakabit pa ang original wire ng injection pump, iangat muna nang lumabas ang metal part,
Ilagay ang wire sa positive ng batery, yung dulo ay sa injection pump, dalawa lang naman ang linya ng injection pump, positive at negative. Hanapin lang natin ang posite. Idikit ang dulo ng wire, alin man sa dalawa, kung sa pagdikit sa isa ay nag spark or umaapoy, yun ang negative, then idikit naman sa kabila at di nagspark, yung ang positive, ikabit na dun, positive. At maglagay ng wire, negative to negative. Malalaman mo na good ang Injection Pump, kapag nalagyan mo ito ng supply ay may click ka na maririnig.
No comments:
Post a Comment