Problem:
No Frost refrigerator - hindi lumalamig ang ibaba, sa itaas ay nag yeyelo.
1. Check ang fan sa loob, (umaandar naman, good pa)
2. Check ang heater ( iniikot ang timer para maset ang heater, ok naman, umiinit, good pa)
3. Check ang defrost timer (pinanghinalaan na ito dahil madalas itöng masira kapag pinapasok ng langgam, pinalitan ng bagong timer, after ng isang linggo, ganun pa din, nagyeyelo sa itaas, at sa ibaba ay di lumalamig)
4. Check ulit ang itaas, binaklas. Tinunaw muna ang yelo sa evaporator para ma check, napansin ko di ko malaman kung saan dumadaan ang natunaw na tubig ng yelo. Barado pala ang drain plug, natiyak ko yun dahil walang lumalabas na tubig sa likod ng refrigerator. May sarahuran ng tubig dun walang lumalabas na tubig na natunaw na yelo sa itaas. Ang ginawa ko, sinundot ko ng kawad ang drain hose, mula sa likod ng ref. sa ilalim pataas sa evaporator. Medyo mahirap, at matigas ang pagsundot at ingat na din na matamaan ng tubo (hayun ok na ang ref. Maganda na ang lamig)[/quote]
Matuto mag-repair ng Ref, Aircon, Generator, Makina at sari saring informative na magagamit natin. Kung may kaalaman kayo na willing I share ibahagi natin bang maraming pinoy ang may alam.
Labels
- aircon (35)
- ascendingprofitsystem (2)
- Auto (10)
- Batas (3)
- Blog Tips (6)
- Comments (1)
- computer (49)
- cp (6)
- electronics (8)
- Extra Income Tutorial (25)
- Fyi (8)
- Generator (11)
- motor (1)
- News (3)
- recipe ng pobre (27)
- Refrigerator (5)
- Welding (4)
Sunday, March 25, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Gaano ba katagal bagi lumamig ang bagong ref?? Ilang oras po kaya
ReplyDeleteMga sir kakapagawa palang po ng ref ko sira po nya di po lumalamig dati..
ReplyDeleteNgayon po nagawa na.
Kaso po ang nag yeyelo lang ay ung part ng taas baba at gawing kanan.
Ung kaliwa po di po nag yeyelo sabi po nung gumawa ganun dw po tlaga un..
Tama po ba un?
Salamat po sa sasagot
Kung C type ang nabili mong ref. Ganyan talaga yan. Nakaletter c ang ang evaporator nya. Mahina tan lumamig. Pansarili lang at di pedeng paninda ng yelo.
Delete