Trouble:
Generator, kapag binuhay sa una ay umaandar, makalipas ang ilang minuto ay namamatay. Naka alarm sa red na ilaw na buhay ay ang Oil gauge.
Kumbaga kapag binuhay mo ang generator mayamaya ay bigla na lang namatay at alarm na signal sa module na red light ay sa Oil.
1. Tinanggal ang linya ng sensor ng oil sa body. At pinaandar (ganun pa din ang trouble)
2.Nirekta ang injection pump sa battery. (ganun pa din, namamatay pa din)
3. Ang alternator ay nakitang hindi kumakarga, na check ang battery 12 volts lang.
Ang ginawa ay ini exite ang alternator sa battery. (ayun nagkakarga ng kuryente sa battery, 13 volts na reading, at hindi na din namamatay ang genset, kahit may alarm na pula sa oil ng module, nirekta na.)
Paraan ng pag exit ng alternator para mag charge sa battery
Kelangang gumawa ng linya o wire sa positive(+) ng alternator papunta sa positive (+) ng battery.
Lagyan ng koneksyon (wire)yung nasa itaas (una sa tatlong terminal) yung puti. Papunta sa positive(+) ng battery.
Nilagyan ng switch sa gitna, ang pag exit ng alternator para kumarga, ididikit lang ng kaunting segundo ang positive ng alternator sa positive ng battery, para ma exite ang kuryente at magkarga.
Maari ding walang switch, kumbaga na ka dikit(konektado) na ng tuluyan ang wire kapag may sira ang linya.
No comments:
Post a Comment