Sunday, March 25, 2012

AUTOMOTIVE MAJOR PARTS

Automotive Major Parts
1. Engine - main source of power. It covert chemical energy to mechanical energy.
1q654.gif
2. Powertrain - yung dinadaan ng pwersa ng engine, tulad ng transmission at diperensyal
3. Frame
4. Running gear
5. Body
6. Chassis
Engine Classification Parts
1. Moving - yung gumagalaw na bahagi, tulad ng piston.
2. Stationary - yung mga hindi gumagalaw na bahagi. Tulad ng piston ring.

-------------------------------------------------------------------------------
Engine Accessories System
1. Cooling System
2. Fuel System
3. Lubricating system
4. Electrical system
Electrical sub-system
1. Starting sys.
2. Charging sys.
3. Ignition sys.
4. Lighting sys.
A. Head light
B. Park light
C. Tail light
D. Signal light
E. Hazard light
F. Stop light
G. Revese light
I. Horn

Other accesories
A. Dome light
B. Door light
C. Air conditioning
D. Car stereo
Eto daw ay para tumagal ang buhay ng makina.

-----------------------------------------------------------------------------------------
 Fuel System -kasama daw dito ang electric pump na nasa tangke papunta sa hose sa carburador.
Sa umaga, mahirap daw magpaandar ng makina, dahil nga magdamag na nalamigan, pinapainit daw muna ang carburador para umandar.


Ano ang pagkakaiba ng Diesel at Gasoline na makina
Gasoline -
1. gumagamit ng CARBURADOR na nagbibigay ng magkasamang gasoline at air ng sabay.
Magkasabay na ipinapasok ang gasolina at hangin sa loob ng makina.
Ang paraan nito sa pagpasok sa makina sa VAPOR FORM.

Alam natin kung paano umandar ang makina. INTAKE, COMRESSION, POWER, EXAUST di ba!

2. Ganito ang manner of operation sa GASOLINANG makina.

INTAKE - papasok ang gasolina at hangin in vapor form.

COMPRESSION - pipisain or i compress ang gasoline at air.

POWER - gumagamit ng Spark plug ang gasolinang makina. Mag spark ang SPARK PLUG at magkaroon ng pagsabog at power.

EXAUST - lalabas ang usok.

3. Maliit ang makina ng GASOLINANG makina. Dahil nga mixture na ng air at fuel magkasabay na ipinapasok sa makina. Alam natin na ang fluid ay hindi maicocompress sa maliit na bahagi yan ang fuel.


Diesel -
1. gumagamit naman ito ng INJECTION PUMP na nagbibigay ng Diesel lamang, krudo lang ang binibigay nito. Walang kasamang hangin.
Teka nasan ang hangin?
Ang hangin o air ay nauna nang pumasok sa loob ng makina.
Ang paraan ng pagpasok naman nito ay AUTOMIZED - break up of fluid into small particle.
Parang pang spray ng lamok, nagspray ka pero di mo sya nakikita, pero nababasa ka.

2. Manner of operation ng DIESEL na makina.

INTAKE - papasok ang hangin o air. Hangin lamang ang papasok.

COMRESSION - pipisain ang hangin or i compress. Iinit ang hangin dahil dito.

POWER - hindi gumagamit ng Spark plug ang diesel na makina. Walang spark plug.
Paano ito sasabog or magkakaroon ng power?
Dahil sa pag compress sa hangin o air, mag iinit ito. Iinject ng Injection Pump ang krudo o diesel. Dahil sa init ng hangin, magkakaroon ng pagsabog or power. Kaya dyan nasusunog ang diesel o krudo.

EXAUST - lalabas ang usok.

3. Malaki ang makina ng DIESEL na makina, dahil air lang ang naunang ipinapasok. Alam naman natin na ang air, ay madaling ma i compress sa maliit na bahagi.


Kapag maganda ang mixture, maganda ang tunog ng makina. Kung hindi, pupugak-pugak
.
FUEL TANK - tangke ng gasolina, yung nilalagyan ng krudo.

Paano nakakapunta sa makina ang krudo
Gumagamit daw ng Fuel pump or Electric pump, mula tangke, papunta sa hose, papunta sa carburador.
Tips:
Ang pressure daw ng loob ng tangke para makarating sa makina ay 30 psi to 60 psi.

Paano malalaman na nakakarating nga ang krudo o ang pagtest kung ayos or sira na?
1. Tingnan ang pressure nito sa pressure gauge, 30 psi to 60 psi, (ok)
2. Bunutin ang hose at isusi ang sasakyan para mabuhay ang pump, tingnan kung lumalabas na krudo.
3. Tingnan kung may supply na kuryente ang fuel pump, tingnan ang linya nya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Cooling System - maintain the normal temperature of the engine.

Ano ba ang normal temperature ng engine?
- 80 degree Farenhieght to 185 degree Farenhiegt
Malalaman din ito sa gauge.
Nakakatulong din ang init sa pagsusunog na makina. Dahil ang triangle of fire ay heat, fuel, air. Kaya pinapainit muna ang sasakyan, bago patakbuhin.

Normal temperature ng tao? - 37.5 C


2 paraan para mapalamig ang engine
1. Indirect cooling - gumagamit ito ng tubig, sa Radiator.
Dumadaan ang tubig sa [b]Water Jacket[/b].
Galing sa labas ang hangin na tumatama sa radiator kapag tumatakbo upang maalis ang init.
Kapag hindi naman tumatakbo ang sasakyan. Walang tumatamang hangin sa radiator kaya madalas mag overheat ang makina, kapag traffic, kesa sa mga tumatakbo. May paraan naman para maiwasan ito. Nilagyan ng AUXILARY FAN sa tabi ng radiator.
Kapag nag overheat ang makina ang nangyari ay matutunaw ang bakal at magdidikit sa kapwa bakal or mag expand ang bakal, at itoy katok na.

2. Direct Cooling - ito ay yung mga cooling pin. Yung aluminum, madalas ito sa motorcycle.
At yung fan na tinatamaan ng direkta ang labas ng makina.


Tip:
Kapag overheat ang makina, at nakitang kaunti na ang tubig ng radiator, huwag agad itong lagyan ng tubig, patayin ang makina at hintayin na lumamig, kapag malamig na saka lang ito lagyan ng tubig ang radiator.

Dahil kapag overheat ang makina at nilagyan agad ng tubig ang radiator. Mag expand ang makina, at magbabago ng hugis, loose compression, dahil bigla syang lumamig, dapat dahan dahan lang ang paglamig.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lubricating System - langis ng engine. Dumadaan naman ang langis sa OIL GALLERY. gamit ang oil pump.
Ang pressure ng Air sa paligid ay 14.7 psi.
Kaya ibinase dyan.
Ang normal pressure naman ng oil ng engine ay 15 psi to 180 psi.
Change oil = 10,000 km na ang itinakbo.

Loose Compresion ng makina- kapag kaunti na ang langis, or mahina ang pressure at di nakakarating sa lahat ng loob ng makina. Nag expand ang bakal. At maari ding humalo ang langis sa makina at magbuga ng usok na maitim.

Tumatagas ang langis - mapapansin na yung ibang makina ay tumatagas ang langis sa kung saan saan, maaring high pressure ang langis.


Hint:
Naghalo ang langis at tubig- dahil din daw sa overheat ng makina ang nangyari. Malalaman daw na naghalo na ang langis at tubig. Kapag kulay puti o gatas na ang tubig ng radiator. Magkatabi lang daw ang dinadaanan ng langis at tubig. Ang water jacket at oil gallery. Dahil sa sobrang init natunaw ang gasket na naghihiwalay sa dalawa. nagkaroon ng koneksyon ang dalawa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Charging System

Type ng kuryente
1. D.C. (direct current) = two way path curret.
Ang paraan daw ng pagdaan nito ay dalawa.
----Pwedeng + positive, papunta sa - negative.
----Pwedeng - negative, papunta sa + positive.

2. A.C. (alternating current)  = one way path current.
Ang paraan daw ng pagdaan nito ay isa lang dahil pabago-bago ito ng direksyon. Dahil magkasama sa linya ang - negative at + positive.


1. Conventional theory= ang positive goes to negative. + > -
Discharging daw ito, mauubos ang karga ng battery.
Kapag ang positive ay papunta sa negative.
Ito ay pinabasehan sa kidlat. Ang kidlat daw ay positive, saan tatama ang kidlat sa lupa, ang lupa ay ground. Ang ground ay negative. Ganito ang design ng mga engineer para di malito. Ganito din ang daan ng Diode, positive to negative. Ganito din ang makina o engine, ang ground ay negative. Positive to negative din.

2. Electron theory = negative to positive. - > +
Charging daw ito, magkakarga ang battery dito.
Ito ang tamang takbo ng kuryente. Ang electron ay negative. Ayon sa scientist.

Halos parehas din naman daw ang coventional at electron. Iilaw pa din ang kuryente. Kaya di na binago ang coventional.

Good charging
Kapag ang volts ay 12.5 v to 14.5 v.
Kapag bumaba dyan ay hindi nagkakarga ang battery, kapag tumaas na naman ay overcharging.

Makikita din sa gauge kung nagkakarga ang battery. Kapag sa gauge napatapat sa negative, hindi nagkakarga, kapag sa positive nagkakarga.

Charging Alternator - sya ang nagkakarga ng kuryente sa battery.

Hint:
Kapag tayo ay nagpapatakbo ng sasakyan at gumagamit tayo ng ilaw, napapapunta ang kuryente ng charging alternator sa ilaw at konti lang sa battery. Mapapansin na ang pointer ng gauge ay pagalaw galaw. Tumataas sa positive at bumababa sa zero. Ito ay normal lamang, kung hindi ka gagamit ng ilaw. Nakaturo lang ang pointer sa positive.
Kailangang ang belt ng charging alternator ay huwag masyadong mahigpit, kelangang kapag tinukuran mo ang belt ng alternator ay dapat lumubog ito ng 1 inch, para malaman na ito ay di masyadöng mahigpit.

Kapag sobrang higpit ng belt ng charging alternator, sisirain nya ang beering ng charging alternator, dahil hinihigit nya ito. Masisira ang charging alternator, mag shoshort, magdidikit ang positive at negative, apektado din ang battery mo at baka sumabog ang battery mo. Ganun din dapat sa kadena ng motorcycle, huwag masyadong mahigpit. Kapag masyadong mahigpit maaring umigkas ka sa arangkada, o kaya ay maputol ang kadena mo.
      Ang 4 wheels kapag full na ang charge ng battery ay nag aautomatic para di mag overcharge. Meron syang regulator.
     Ang motorcycle walang regulator. Mapapansin sa headlight na mahina ang ilaw, kapag umandar ka na ay lumalakas ang ilaw, walang nagkokontrol.

Click this para mas maunawaan.
http://www.allaboutcircuits.com/vol_1/chpt_1/7.html



No comments:

Post a Comment