APPLICATIONS CREATED BY HACKERS:
Ito ay malaking tulong sa mga internet users lalo na sa mga gamers online. Dito nyo malalaman ang tricks ng mga hacker upang makakuha sila or makuha nila ang accounts nyo. Malaking tulong ito upang maging aware kayo sa mga nangyayari sa mundo ng mga hacker laban sa mga non-hackers or script kiddies.
ANO NGA BA MADALAS GINAGAWA NILA: Madalas gawin nila ay mga program dahil ito lang ang magsisilbing kapanipaniwala. Ito yung mga program na humihinge ng impormasyun na kailangan daw i-input ng victim gaya nalang ng username, password, e-mail address or codes. Sa madaling salita, FAIL! ang ganitong klaseng program na humihinge ng impormasyun ay PHISHING maituturing at sa ngayun ay kabilang na sa hack na word. Ang mga gumagawa ng ganito ay madalas mga Information Technology, Computer Engineer and Computer Science students - programmer silang maitiuturing at sila ang mga tunay na hackers.
ANO ANG SAMPLE PROGRAM?: Ang larawan na nasa baba ang ISA SA sample pero madami pang programs na lumalaganap na gumagamit ng smtp, ito ang latest na nakuha dito din sa SYMBIANIZE na want mang hack ng symbian users = so dapat i ban ung user diba?
BAKIT AT PANO ITO NAKAKAHACK NG USERNAME AND PASSWORD?:
Mga IT, COE and COMSCI madaling makaka intindi dito pero intindihin nyo nadin. Ang ganitong program ay gumagamit ng SMTP (Simple Mail Transfer Protocol) sa madaling salita ang lahat ng ininput mo dyan gaya nalamang ng USERNAME and PASSWORD ay ma se send sa hacker via E-Mail.
Alam ko ang katanungan nyo ay parang imposible at papaano? Simple lang ulit. And SMPT sa program nayan ay code ang ginamit sa pag ki create ng hacking tool na yan, ang code nayun ay parang ganito - [If USER inimput ang TEXT sa TEXTBOX1 and TEXTBOX2 which is for USERNAME and PASSWORD , THEN ang inimput na user sa TEXTBOX1 and TEXTBOX2 which is his/her USERNAME and PASSWORD ay MA SE SEND SA E-MAIL NA NILAGAY NYA DITO SA PROGRAM KO]. ganun lang ang simple process na nagpapagana sa program na yan.
SO, ANUNG SILBI NUNG MGA PROGRESS BAR at IBA PA: Very simple lang, para lang yang SHOPAO pag kinagat ay hindi siksik sa laman. sa madaling salita, pang akit lang yan lahat para kumgagat kayo sa pain nya at magsilbing kapanipaniwala. Walang silbi lahat ng borloloy na nandyan tulad ng nag a animate na Flash video. And tanging gumagana dyan is yung sa ininput nyong USERNAME and PASSWORD.
SAAN NAMAN MA SE SEND YUNG INIMPUT NAMIN?:
Gaya ng sinabe ko, SMTP diba? Simple Mail Transfer Protocol, so ibig sabihin ay mag se send via e-mail yung ininput nyo papunta sa hacker. Tinganan ang larawan sa baba, ganyan ang kakalabasan sa e-mail ng hacker.
-= Ito ay sample hacked account list using the same method of phishing. FarmVille trend hacks yan, so meaning all facebook accounts mga nandyan. and only 2 days of process lang yang ganyan kadami. Ganyan ang power ng phishing.
So, alam nyo na now kung anu talaga ang silbi or ang process na ginagawa ng mga ganyan klaseng program? ^^, Iwasan nyo nalang lahat ng program na nag aask ng mga username and password para maiwasan ang pagkawala ng accounts nyo. ^^,
BBCode
No comments:
Post a Comment