Monday, March 26, 2012

nakulong sa utang

Karamihan ng tao ay nag-
aakala na kapag kinasuhan sila
ay maari na silang makulong.
Para sa mga taong isang
damukal ang utang sa iba ’ t- ibang credit card companies,
mga bangko, kaibigan at
kamag-anak, pwes, may
maganda balita ako sayo: Walang nakukulong sa utang. Ito ay nakalagay mismo sa
ating Saligang Batas: Section 20. No person shall be imprisoned for debt or non-
payment of a poll tax. Iniiwasan ng ating Saligang
Batas na mapilitang gumawa o
magsilbi ang may-utang sa
kanyang pinagkakautangan
para lamang umiwas sa
pagkakakulong na masasabi narin nating isang uri ng pang-
aalipin o slavery. Ngunit pano naman ang mga
swindler at estafador sa
lipunan? Sa simpleng linguwahe, ang
estafa ay panloloko. Ang panloloko ay iba sa
lihitimong utang. Ang
lihitimong utang ay kung saan
ang taong umutang ay may
intensiyon talagang
magbayad. Siguro dahil sa hindi inaasahang bagay tulad
ng pagbagsak ng negosyo o
pagkatanggal sa trabaho ay
hindi niya kayang bayaran ang
kanyang utang kapag
dumating na ang araw ng singilan. Ang mga manloloko naman, ay
talagang walang intensiyong
magbayad o magsoli ng pera
sa simula pa lamang. Kaya nga
manloloko e. Dito pumapasok ang
elementong fraud. Kaya ang
mga estafador ay
pinaparusahan ng ating
Revised Penal Code ng kulong
hindi dahil sa may utang sila, kung hindi dahil, manloloko
sila. Ganyan din ang prinsipyo ng
Bouncing Check Law o kilala
bilang BP 22 (Batas Pambansa
Bilang 22). Pinaparusahan ang
nag-issue ng tseke hindi dahil
sa may utang siya, kundi dahil nag-issue siya ng talbog na
tseke na maaring makasira sa
integridad ng paggamit ng
tseke sa iba ’ t-ibang transaksyon sa lipunan. Ngunit pano naman
makakabawi ang pinagkaka-
utangan mo? Bilang nagpapautang, hindi ka
pwedeng mag-ala-Rambo at
pumunta sa bahay ng taong
may utang sayo at limasin ang
kanyang mga gamit na walang
court order. Light Coercion aabutin mo
niyan at ikaw pa makukulong! (Revised Penal Code. Art. 287.
Light coercions. – Any person, who by means of violence,
shall seize anything belonging
to his debtor for the purpose of
applying the same to the
payment of the debt, shall
suffer the penalty of arresto mayor in its minimum period
and a fine equivalent to the
value of the thing, but in no
case less than 75 pesos.) Biruin mo, ikaw na
nagpautang, nakulong kapa.
Ang swerte naman ng may
utang sayo. Kaya dapat, daanin mo sa
tamang proseso. Yan ay ang
pagsampa ng civil case for sum
of money. Oo, kaso rin yun, kaso walang
kulong. Pero kapag nakakuha kana ng
Court Order na tinatawag na
Writ of Execution … ..Its pay back baby! Kasama ng Court Sheriff, maari
kanang pumunta sa bahay ng
may utang sayo para singilin
siya. Kung walang paring
pambayad, unahin mo na ang
plasma tv niya sa sala, isama mo na rin ang magic sing.
Ngunit hindi lahat pwede mo
kunin, may limitsyon rin (Rules
of Court Rule 39 Sec. 13). But
still you will not be left empty
handed. Maari mo rin i-levy ang real
properties ng may-utang sayo,
kung saan ibebenta ng Sheriff
ang mga lupain niya para
pambayad sa utang. Kung wala talaga, hindi mo
mapipilit, pasensyahan na
lang. Tawag dyan, Paper
Judgment. Panalo ka lang sa
papel. Kaya bago mag-pautang,
alamin ang kakayahan ng pag-
papautangan. Sa mga nangungutang naman,
huwag umutang kung hindi
kaya bayaran. Hindi ka man
pwede ikulong sa ginawa mo,
nahusgahan ka naman ng
lipunan bilang balasubas. Para ka na ring kinulong.

 “ Debt is the worst poverty ” – Thomas Fuller, Gnomologia, 1732

No comments:

Post a Comment