Father’s day nung last Sunday (Belated happy father’s day sa lahat ng mga tatay, daddy at erpats!)
Ako may dalawang chikiting na.
Parehas prinsesa, isang 1 year old at isang 6 years old.
Ang sarap sa pakiramdam maging parent.
Malaking responsibilidad, challenging minsan pero masaya.
Ang mga anak mo mga inspirasyon mo yan.
Bigla kong naalala yung sinabi sa’kin ng katrabaho ko.
Sabi n’ya ayaw daw n’yang sinasama yung anak n’ya ‘pag pumupunta s’ya ng SM.
Kasi madalas nagpapabili yung anak n’ya ng laruan tapos wala s’yang pera.
Ang sakit daw sabihin nung… “Sorry anak, sa susunod na lang wala pa tayong pambili”.
Bilang magulang masakit talaga ‘yun ‘di ba?
Masakit ‘pag hindi mo kayang ibigay yung simpleng kagustuhan ng anak mo.
Pero hindi lang laruan ang kaylangan mong isipin pag magulang ka na.
Ang dami pang iba!
May nabasa ‘kong isang article nung isang araw.
Ang title “The Cost of Raising Children in the Philippines”
Andun yung estimate kung magkano ang kaylangan mo para makapag palaki ng isang anak.
Magkano ang gagastusin mo hanggang maging 16 yrs old ang anak mo.
Ito yung computation…
+ Pregnancy and childbirth: 100,000 PHP
+ First 5 years (doctors, vaccines, diapers, formula milk, etc): 10,000/month x 12 months x 5 years = 600,000 PHP
+ Tuition fee under K-12: 40,000 x 12 years = 480,000 PHP
+ College tuition (UP Bracket A estimate): 60,000/year x 4 years (you hope) = 240,000 PHP
+ Living expenses for 13 years: 5,000/month x 12 months x 16 years = 780,000 PHP
Total Cost: 2,200,000 PHP
The average number of children in the Philippines is 3 children (Year 2014 estimate).
GRAND TOTAL = P2,200,000 x 3 = That’s P6,600,000
Hindi talaga biro ang pagpapamilya.
Malaking tungkulin at responsibilidad talaga.
Ang malungkot marami pa din ang anak lang ng anak kahit hindi naman nila kayang tustusan o suportahan yung mga anak nila.
Ikaw ba parent ka na din ba?
Handa ka na ba para sa tungkulin at responsibilidad mo?
Kasya na ba ang sinasahod at ipon mo para palakihin ang anak mo?
Starting an online business may help you.
Let me teach you how!
PS – Let me know your thoughts. Comment below and if you liked this article share this on facebook!
https://bit.ly/2NtInWA
ReplyDelete