5 Mindset Hack To Switch From Employee To Entrepreneur
Always remember this quote...
“If you don't build your dreams someone else will hire you to build theirs”
Pangarap mo ba ang pinagsisikapan mo?
O pangrap ng ibang tao?… ng mga boss mo?
After ko mag-graduate sa high school nag trabaho kagad ako.
Staff at cashier sa isang video rental shop sa QC.
Palaos na noon ang mga VHS at DVD.
Kaya medyo nagkukuripot na ang mangament.
Isang staff lang kada shift.
Kaya ‘pag may pasok ako, lahat ako gumagawa.
Ako tagabantay, ako cashier, ako janitor pati guard ako din.
Tapos minsan ‘pag absent ‘yung kapalitan ko, uutusan ako na mag-overtime na pagkahaba-haba.
Minsan inaabot ako ng madaling araw.
Wala akong magawa kasi utos ng boss.
Then one time pag ‘tapos ng shift ko, binilang ng manager yung pera sa cashier.
Gulat ako nung sinabi n’ya na kulang daw yung pera sa kaha.
Kulang ng ng P1,000!
Kaylangan ko daw ‘yun abonohan.
Parang umakyat yung dugo ko sa ulo.
Maiyak-iyak ako sa galit at sa inis!
Biruin mo nagtatrabaho ka na ikaw pa magbabayad.
Pero wala akong nagawa… utos ng boss eh.
Walang wala pa naman akong pera nung time na yun.
Pero wala eh. Wala ako magagawa kaya nag abono ko.
Ang sakit sa loob nung experience na yun at di ko makalimutan.
Ang masakit hindi lang isang beses nangyari ’yun.
Nung nagtatrabaho pa ko sabi ko na hindi pwede yung ganito.
Hindi ako magiging empleyado forever…Promise!
Ewan ko pero hindi talaga OK sa’kin na may boss.
Ayoko ng may naguutos sa’kin.
Ayoko ng may naguutos sa’kin.
At lalong ayaw ko na ibang tao ang may kontrol kung magkano ang perang kikitain ko at kung kaylan ako sasahod.
Buti na lang ngayon, nalaman ko ’tong internet lifestyle, itong online business.
“How To Transition From Employee To Entrepreneur - PART 1”
Ngayon gusto kong paguusapan natin ay kung pano ka makakapag transition mula sa pagiging employee papuntang entrepreneur.
This is just part 1 of this article, meron itong kasunod.
Ang una natinng kaylangang baguhin ay ang iyong mindset.
If you really want to succeed bilang isang entrepreneur, change must happen… change in your mindset.
Part 1 ay tungkol sa kung anong mga mindset ang dapat meron ka.
Part 2 naman ay kung anong specific steps ang gagawin mo.
Mindset # 1 - Resourcefulness
Abilidad na humanap o gumawa ng paraan.
Ibat-ibang challenges ang makakaharap mo ‘pag nag negosyo ka.
Kaylangan magaling kang humanap ng paraan sa mga challenges na ‘yun.
Tatapatin na kita… kung mabilis ka sumuko, hindi para sa’yo ang pagiging entrepreneur.
Hindi talaga para sa lahat ang pagiging entrepreneur.
Ang nakakalungkot, yung iba napaka babaw ng dahilan kung bakit hindi sila magiging successful.
Andami nilang aliby para hindi maabot yung pangarap nila.
Parang ganito yung madalas kong madinig…
- Wala akong internet sa bahay! - Eh ‘di mag internet shop ka.
- Wala akong laptop - Eh d gamitin mo cellphone mo.
- Wala akong pang invest - Eh di humanap ka ng pang invest. Mangutang ka, magbenta ka ng gamit… Yung cellphone nga nagagawan mo ng paraan tapos future mo hindi mo magawan?
- Wala akong alam sa computer - Eh di aralin mo.
Kahit ano pang pino-problema mo ngayon, naging problema na din ‘yan ng marami.
Ang pinag kaiba nga lang, yung iba marunong gawan ng paraan ‘yung problema nila.
“May kasabihan nga ‘di ba?…
"Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan”
Anong meron ka? Marami ka bang dahilan o marami kang naiisip na paraan?
Anong problem o challenge mo ngayon?
Kaya mo bang gawan ‘yan ng paraan?
Mindset # 2 - Always Willing To Learn
Meron ka bang kilala na may sakit na A.K.N.Y.?
A.K.N.Y. means Alam Ko Na Yan?
Sakit ‘yan ng mga tao na malalaki ang ulo.
Yung feeling nila alam na nila lahat. Kaya hindi na sila willing makinig at matuto sa iba.
Specially ‘pag yung tao na pinakikinggan nila ay mas less successful, o kaya mas bata sa kanila, etc.
Success in entrepreneurship requires continues learning.
Kaya dapat lagi tayong willing to learn.
You don’t know what you don’t know ika nga.
Hindi mo alam kung ano pa yung mga ibang bagay na kaylangan mo para mas maging successful.
Kay dapat lagi kang uhaw sa kaalaman. Kung uhaw ka sa kaalaman, type YES sa comment.
Mindset # 3 - Risk Taker
Kaya mo bang mag-take ng risk para magkaron ng big reward?
Kaya mo bang mag-take ng risk kahit hindi a 100% sure na magiging OK yung desisyon mo?
Kaya mo ba talagang mag-take ng risk or simpleng FB ads takot ka?
Nakakapag-take ka ba talaga ng aksyon kahit medyo kinakabahan ka ... or pralyzed ka na kapag kinabahan ka?
Kung hindi mo kayang mag-take ng risk, again hindi para sa’yo ang pagiging negosyante.
Lahat ng naging successful na entrepreneurs ay mga risk takers.
Ito isa sa mga paborito kong quote…
"Pearls don't lie on the seashore. If you want one, you must dive for it."
Mindset # 4 - Action Taker
“The path to success is to take massive, determined actions.”...Tony Robbins
Agree ka ba na ‘pag walang aksyon, wala ding resulta?
Maraming sumusubok sa ganitong business pero nai-stuck lang sila sa pagaaral.
Ayokong mangyari yun sa’yo.
Importante ang pagaaral, pero mas importante ang pag-implement.
“Implementation is the name of the game.”
Actually meron pang much better dyan…
“Speed Of Implementation”
Pag may napulot kang magandang idea, pag may natutunan kang bago, …wag mo ng ipagpabukas.
Implement mo agad-agad. Kasi malamang pag pinagpabukas mo pa yan, makakalimutan mo na.
Ilang beses na nangyari sa’yo yung ganun? May maganda kang idea pero di mo nagawa, tapos nakalimutan mo na kaya napunta sa wala?
Sayang ‘di ba? Kaya dapat aksyon palagi kagad!
Mindset # 5 - Strong Self Belief
…Tiwala sa sarili.
Pag wala kang tiwala sa sarili mo… Wala din!
Hindi ka mai-inspire, hindi ka magte-take ng risk, hindi ka a-aksyon, as in walang mangyayari.
Dito magsisimula lahat ng success mo.
May tiwala ka ba sa sarili mo?
O may bulong lagi sa tenga mo na ..."ah baka hindi para sa’kin itong business na ganito!”
Nung nagsisimula pa lang ako hanggang ngayon, sa tuwing may gusto akong ma-achieve, lagi kong sinasabi sa sarili ko…
“Kung nagawa ng iba kaya ko din yan!”
Dapat ganyan ang mindset na meron ka palagi.
Kung may onting self doubt ka, ganito gawin mo….
Gawin mo yung ginagawa ng mga gorilya.
Yung kinakabog nila yung dibdib nila.
Parang gingawa ni Tarzan bago s’ya sumigaw ng WOHOHOHOHOHOHO!!!!
Alam mo ba kung bakit ginagawa ‘yan ng mga Gorilya?
Para ipakita o at iparamdam na matatag at malakas sila.
Pag minsan nawawala yung motivation mo, o ‘pag minsan nagkakaron ka ng doubt sa sarili mo, subukan mo ‘yun.
Thump your chest 3X.
It will serve as a reminder that you are strong and you are capable of achieving anything!
Kung may natutunan ka sa post na ‘to, please let me know by commenting below.
PS - Do You Want To Learn The Simplest, Fastest And Most Profitable Way To Start An Online Business... Even If You Have ZERO Technical Knowledge? Click Here To Watch The FREE Webinar.
To your entrepreneurial success!
Eduard Reformina
No comments:
Post a Comment