Wednesday, July 18, 2018

4 Things You Need To Have A Profitable Online Business

4 Things You Need To Have A Profitable Online Business

4 Things You Need To Have A Profitable Online Business

Naalala ko yung classmate ko nung college.
Nag reunion kasi kami one time.
Napag kwentuhan namin tungkol sa negosyo.
Sabi n’ya, gustong-gusto n’ya daw mag-negosyo.
Sabi n’ya… “Gusto ko magka computer shop!”
“Ayos ‘yan, simulan mo na ‘yan!”… sagot ko.
“P100,000 na kapital lang makakapag simula ka na.” …hirit ko.
Bigla ba namang sumagot…
“Ang mahal naman nun?!”
Alam n’ya din na may online business ako.
Kaya nagtanong s’ya…
“Eh ikaw pre, yung online na business mo? Magkano ba kapital mo d’yan?”
Sinagot ko s’ya… P300,000 yung sa isang website pa lang.
Nanlaki yung mata… Alam mo sinabi n’ya?
Napamura!
“T@#g In@#g ‘yan! Ang mahal naman n’yan!”
“Ako hindi ako magri-risk ng ganyan”
Tapos natawa ko ng malakas!
Medyo pangasar yung tawa ko kaya nung tinignan n’ya ko, sinabi ko na lang…
“Sorry bro, natawa ko sa sinabi mo.”
Tapos binigyan ko s’ya ng advice…
“Pre, alam mo sa business pinaka madaling solusyunan ’yang kapital!”
Sagot n’ya lang… “Basta ako hindi ako magri-risk ng ganyan kalaki”
Kaya iniba ko na lang topic namin.
Ayun, hanggang ngayon employed pa din ‘yung classmate ko.
Tandaan mo din, sa business kapital talaga pinaka madali sa lahat.
Pwede ka ngang pumunta sa banko papautangin ka eh.
Pumunta ka sa mall may mag-aalok sa’yo ng credit card.
Meron na ngang website na nagpapautang (DoctorCash.ph).
Tandaan mo, pera …‘yan ang pinaka madali sa negosyo.
Alam mo kung anong mahirap?
Itong apat na ‘to…
1) CLEAR GOALS - Sa business kaylangang may specific income goal ka.
Hindi kasi pwede yung sasabihin mo lang na gusto kong mag-business.
O kaya gusto kong magka extra income.
Medyo malabo yun! Kaylangan detalyado.
Gawin mo ask yourself, anong plano mo sa business mo? Magkano ang gusto mong kitain? Kaylan mo yun gustong kitain.
Maglagay ka ng detalye sa goals mo.
Kaya may mga nagfe-failed, kasi wala silang malinaw na goals. Wala silang target!
2) GAME PLAN - Sabi ni Benjamin Franklin…
“If you failed to plan, you are planning to fail.”
Totoo yun!
Dapat may step by step kang plano sa business mo.
Sa’kin meron akong notebook andun lahat ng 1 year to 5 years plan ko for my company.
Pag may gusto kong ma-achieve, sinusulat ko lahat dun yung magiging plano ko.
Detelyado at bawat steps snusulat ko dun sa notebook ko.
3) BUSINESS STRATEGY - Syempre dapat may strategy ka. Ano ba ang strategy?
Ito simpleng example…
Kunwari gusto mong maghukay ng lupa.
Gagawa ka kasi ng swimming pool.
Tanong anong strategy ang gagamitin mo?
Gagamit ka ba ng pala, o gagamit ka ng traktora?
Sagot ng iba “Syempre traktora!”
Hep! Hep! Teka lang!
Tandaan mo may pros and cons yang dalawang strategy na yan.
Pala - Mura lang, pero mabagal tsaka nakakapagod.
Traktora - Mabilis talaga pero syempre kaylangan mong mag-invest ng pera.
Ang tanong anong strategy ang mas OK sa sitwasyon mo.
4) PROVEN SYSTEM - Last but not least… dapat may sistema ka.
All successful business ay built sa system
It’s just a systematic way of delivering a product/service to customers.
Pag wala kang sistema, hindi mag go-grow ang business mo.
Hindi kasi madu-duplicate.
Tignan mo yung McDonalds.
Di ba may sistema na sila?
Lahat ng puntahan mong McDo halos pare-parehas lang.
Kasi may sistema silang ginagamit at sinusunod.
Yang apat na ‘yan… Yan yung mahirap.
Sa mga gustong magnegosyo, meron din akong alam na pwede mong maging negosyo.
Ang maganda hindi mo kaylangang maglabas ng P300,000 or ng P100,000.
Kung may pambili ka ng Starbucks, pwede mong simulan ‘to.
Ang maganda we will also provide you with a solid Game Plan.
Tuturuan ka din namin ng mga Marketing Strategy.
At may ipapagamit din ako sa’yong Proven System.
Magagamit mo lahat ng ‘yan para makuha mo yung specific income na gusto mong kitain.
Gusto mo bang malaman kung pano?

Watch This Video Para Malaman Mo <---

Sincerely,
Eduard Reformina
Creator of Ascending Profit System
Founder of Unity Network
9

Dating Magsasaka Ngayon Ang Laki Kumita Sa Internet… Alamin Kung Anong Ginagawa N’ya

Dating Magsasaka Ngayon Ang Laki Kumita Sa Internet… Alamin Kung Anong Ginagawa N’ya

Nag-enjoy ka ba sa video na napanood mo? Anong pinaka nagustuhan mo? Make sure to click like and comment below this video.

PS - Gusto mo din bang magkaron ng online negosyo at kumita ng malaki? Click HERE and Watch The FREE Presentation Now.

This Is The Best Online Negosyo For OFW

This Is The Best Online Negosyo For OFW

Top 3 Tips For Success From A Top Internet Marketer From Cavite

Top 3 Tips For Success From A Top Internet Marketer From Cavite

Top 3 Tips For Success From A Top Internet Marketer From Cavite

How Much Is A Comfortable Monthly Income For A Small Filipino Family?

How Much Is A Comfortable Monthly Income For A Small Filipino Family?

How Much Is A Comfortable Monthly Income For A Small Filipino Family?

Kahapon may nabasa akong article from Rappler.
Ang topic…
“Magkano ang income na kaylangan para magkaron ng simple at komportableng buhay sa Pilipinas kung pamilyado ka na?”
Sa survey na ginawa ng N.E.D.A., majority ng mga Filipinos (79.2%) gustong magkaron ng simpleng komportableng buhay.
Yung 16.9% namanay gustong magkaron ng affluent life (May kaya sa buhay).
At yung natira (3.9%), gustong yumaman.
Alamin muna natin…
1. Ano bang ibig sabihin ng "simple at komportableng buhay”?
2. Magkano ang monthly income na kaylangan magkaron ng simple at komportableng buhay?
“Income To Have A Simple & Comfortable Life In The Philippines For A Small Family Of 4”
  • Money for day-to-day needs = P40,000 monthly
  • Owning a medium-sized home = P30,000 monthly
  • Owning one car = P5,000 monthly
  • Educating two children until college = P10,000 monthly
  • Taking occasional trips around the country = P6,000 monthly
  • Relaxing with family and friends = P4,000 monthly
  • Income Tax = P25,000 monthly
TOTAL = P120,000 Income Per Month
**Infographic from Rappler.com
Kung pamilyado ka na, P120,000 ‘yan ang income na kaylangan mo para magkakaron ng simple at komportables buhay dito sa Pinas.
According din sa NSCB, nasa upper middle class ka na kung kumikita ka ng P100,000+ per month.
(*By the way itong computation na ‘to ay base sa new comprehensive tax reform ng Pilipinas.)
Ngayon ba kumikita ka na ng P120,000 per month?
Honestly masasabi mo ba na komportable na ngayon ang buhay mo at ng pamilya mo?
Kung hindi pa, gusto mo bang palakihin ang Income mo?
Gusto mo bang umabot ‘yan sa P100,000+?
Bibigyan kita ng ilang suggestions kung pano mo papalakihin ang income mo.
Hopefully magagawa mong kumita ng P120K per month.
Income Booster 1 - Part Time Raket:
Anong mas OK, nagda-dagdag o nagbabawas ng income?
Syempre mas maganda kung nagdadagdag ‘di ba?
Kung employee ka ngayon at kung kulang ang sinasahod mo, ang pwede mong gawin hanap ka ng 2nd job.
Hindi mo kaylangang mag-apply sa bagong company.
Most likely dito sa Pinas wala ding tatanggap sa’yo pag nalaman nilang may existing job ka.
Ang gawin mo hanap ka ng raket as a freelancer
Kung may other skills ka tulad ng pagsulat ng article, pag edit ng picture, programming skills, etc…
Pwede kang mag-provide ng freelance sevices sa mga individuals at companies na naghahanap ng ganitong skills.
Pwede kang pumunta sa fiverr.com, freelancer.ph, 199jobs.com para makahanap ng mga willing magbayad kapalit ang freelancing service mo.
Pwede kang kumita ng additional P5,000 - P20,000 additional income doing this.
At ang maganda pwede mo ‘tong gawin ng part time (1 - 3 hours per day).
Income Booster 2 - Buy & Sell
Ang mga Pinoy mahilig makatipid. Kaya mahilig din bumili ng mga 2nd hand.
Kung mahilig kang magbenta OK na extra source of income ‘to sa’yo.
Yung isang uncle ko ganito lang ginagawa. Dun n’ya kinukuha yung pang monthly expense ng buong family n’ya.
Sa mga buy and sell sites tulad ng OLX, hanap ka ng mga 2nd hand na gamit na pwede mong patungan ng tubo at ibenta.
Ang challenge mo dito ay makahanap ng mga 2nd hand items na mabibili mo ng napaka mura.
Income Booster 3 - Affiliate Marketing
Isa pang paraan para madagdagan ang income mo ay ay sali ka ng affiliate marketing programs.
Merong mga companies na naghahanap ng mga tutulong sa kanila para i-market at i-promote ang mga products nila.
In return they are willing to pay you referral commissions.
Ang ilang companies na merong affiliate programs ay itong mga ‘to:
Libre lang sumali ng mga affiliate program at pwede mo din itong gawin ng part time.
Pero don’t expect na kikita ka kagad ng malaki. Kasi “marketing” ay isang skills na inaaral.
Kaylangan mong matutunan pano maging magaling na “marketer” para madami kang ma-refer na sales.
Kung papasukin mo ‘tong affiliate marketing, invest ka ng oras at pera sa education mo.
Income Booster 3 - Join A BizOp
BizOp stand for Business Opportunity. Patok na patok ito sa mga pinoy kasi malaki ang pwedeng kitain at the same time malaki ang market.
What is a Business Opportunity?
Para itong Franchise business.
Ang isang company na nago-offer ng franchise ay merong existing business system, ready to sell products and training for their partners.
Ang gagawin mo maga-apply ka at magbabayad ka ng franchise fee.
In return pwede mo nang gamitin ang system nila.
They will also train you kung pano patatakbuhin ang negosyo.
And lastly you can start selling their products.
Parang ganito din nagwo-work ang mga business opportunity programs.
Ingat ka lang sa mga investment type opportunity program.
Yung mga nagaalok na mag-invest ka lang, tapos wala kang gagaiwn pero tutubo o dodoble daw ang pera mo.
Gaya nung mga online paluwagan, puros kalokohan yun.
Kahit anong business meron kang kaylangang gawin.
Kung ayaw mo na may gagawin, mag stock market o mag mutual fund ka na lang.
There you have it!
Marami ka bang natutunan dito sa post na ‘to? Comment below and let me know!
PS - Gusto mo bang malaman yung opportunity program na magtuturo sa’yo ng mga marketing skills na kaylangan mo para maging successful?
Opportunity program na meron nang ready made system na makakatulong sa’yo para kumita ng P100,000+ every month?
YES?
I-check mo ‘tong system at training program na ginawa ko.
*Feature image by Rolex Dela Pena/EPA**Infographic from Rappler.com

5 Mindset Hack To Switch From Employee To Entrepreneur

5 Mindset Hack To Switch From Employee To Entrepreneur

5 Mindset Hack To Switch From Employee To Entrepreneur

Always remember this quote...
“If you don't build your dreams someone else will hire you to build theirs”
Pangarap mo ba ang pinagsisikapan mo?
O pangrap ng ibang tao?… ng mga boss mo?
After ko mag-graduate sa high school nag trabaho kagad ako.
Staff at cashier sa isang video rental shop sa QC.
Palaos na noon ang mga VHS at DVD.
Kaya medyo nagkukuripot na ang mangament.
Isang staff lang kada shift.
Kaya ‘pag may pasok ako, lahat ako gumagawa.
Ako tagabantay, ako cashier, ako janitor pati guard ako din.
Tapos minsan ‘pag absent ‘yung kapalitan ko, uutusan ako na mag-overtime na pagkahaba-haba.
Minsan inaabot ako ng madaling araw.
Wala akong magawa kasi utos ng boss.
Then one time pag ‘tapos ng shift ko, binilang ng manager yung pera sa cashier.
Gulat ako nung sinabi n’ya na kulang daw yung pera sa kaha.
Kulang ng ng P1,000!
Kaylangan ko daw ‘yun abonohan.
Parang umakyat yung dugo ko sa ulo.
Maiyak-iyak ako sa galit at sa inis!
Biruin mo nagtatrabaho ka na ikaw pa magbabayad.
Pero wala akong nagawa… utos ng boss eh.
Walang wala pa naman akong pera nung time na yun.
Pero wala eh. Wala ako magagawa kaya nag abono ko.
Ang sakit sa loob nung experience na yun at di ko makalimutan.
Ang masakit hindi lang isang beses nangyari ’yun.
Nung nagtatrabaho pa ko sabi ko na hindi pwede yung ganito.
Hindi ako magiging empleyado forever…Promise!
Ewan ko pero hindi talaga OK sa’kin na may boss.

Ayoko ng may naguutos sa’kin.
At lalong ayaw ko na ibang tao ang may kontrol kung magkano ang perang kikitain ko at kung kaylan ako sasahod.
Buti na lang ngayon, nalaman ko ’tong internet lifestyle, itong online business.

“How To Transition From Employee To Entrepreneur - PART 1”

Ngayon gusto kong paguusapan natin ay kung pano ka makakapag transition mula sa pagiging employee papuntang entrepreneur.
This is just part 1 of this article, meron itong kasunod.
Ang una natinng kaylangang baguhin ay ang iyong mindset.
If you really want to succeed bilang isang entrepreneur, change must happen… change in your mindset.
Part 1 ay tungkol sa kung anong mga mindset ang dapat meron ka.
Part 2 naman ay kung anong specific steps ang gagawin mo.

Mindset # 1 - Resourcefulness

Abilidad na humanap o gumawa ng paraan.
Ibat-ibang challenges ang makakaharap mo ‘pag nag negosyo ka.
Kaylangan magaling kang humanap ng paraan sa mga challenges na ‘yun.
Tatapatin na kita… kung mabilis ka sumuko, hindi para sa’yo ang pagiging entrepreneur.
Hindi talaga para sa lahat ang pagiging entrepreneur.
Ang nakakalungkot, yung iba napaka babaw ng dahilan kung bakit hindi sila magiging successful.
Andami nilang aliby para hindi maabot yung pangarap nila.
Parang ganito yung madalas kong madinig…
  • Wala akong internet sa bahay! - Eh ‘di mag internet shop ka.
  • Wala akong laptop - Eh d gamitin mo cellphone mo.
  • Wala akong pang invest - Eh di humanap ka ng pang invest. Mangutang ka, magbenta ka ng gamit… Yung cellphone nga nagagawan mo ng paraan tapos future mo hindi mo magawan?
  • Wala akong alam sa computer - Eh di aralin mo.
Kahit ano pang pino-problema mo ngayon, naging problema na din ‘yan ng marami.
Ang pinag kaiba nga lang, yung iba marunong gawan ng paraan ‘yung problema nila.
“May kasabihan nga ‘di ba?…
"Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan”
Anong meron ka? Marami ka bang dahilan o marami kang naiisip na paraan?
Anong problem o challenge mo ngayon?
Kaya mo bang gawan ‘yan ng paraan?

Mindset # 2 - Always Willing To Learn

Meron ka bang kilala na may sakit na A.K.N.Y.?
A.K.N.Y. means Alam Ko Na Yan?
Sakit ‘yan ng mga tao na malalaki ang ulo.
Yung feeling nila alam na nila lahat. Kaya hindi na sila willing makinig at matuto sa iba.
Specially ‘pag yung tao na pinakikinggan nila ay mas less successful, o kaya mas bata sa kanila, etc.
Success in entrepreneurship requires continues learning.
Kaya dapat lagi tayong willing to learn.
You don’t know what you don’t know ika nga.
Hindi mo alam kung ano pa yung mga ibang bagay na kaylangan mo para mas maging successful.
Kay dapat lagi kang uhaw sa kaalaman. Kung uhaw ka sa kaalaman, type YES sa comment.

Mindset # 3 - Risk Taker

A goldfish jumping out of the water to escape to freedom. White background.
Kaya mo bang mag-take ng risk para magkaron ng big reward?
Kaya mo bang mag-take ng risk kahit hindi a 100% sure na magiging OK yung desisyon mo?
Kaya mo ba talagang mag-take ng risk or simpleng FB ads takot ka?
Nakakapag-take ka ba talaga ng aksyon kahit medyo kinakabahan ka ... or pralyzed ka na kapag kinabahan ka?
Kung hindi mo kayang mag-take ng risk, again hindi para sa’yo ang pagiging negosyante.
Lahat ng naging successful na entrepreneurs ay mga risk takers.
Ito isa sa mga paborito kong quote…
"Pearls don't lie on the seashore. If you want one, you must dive for it."

Mindset # 4 - Action Taker

“The path to success is to take massive, determined actions.”...Tony Robbins
Agree ka ba na ‘pag walang aksyon, wala ding resulta?
Maraming sumusubok sa ganitong business pero nai-stuck lang sila sa pagaaral.
Ayokong mangyari yun sa’yo.
Importante ang pagaaral, pero mas importante ang pag-implement.
“Implementation is the name of the game.”
Actually meron pang much better dyan…
“Speed Of Implementation”
Pag may napulot kang magandang idea, pag may natutunan kang bago, …wag mo ng ipagpabukas.
Implement mo agad-agad. Kasi malamang pag pinagpabukas mo pa yan, makakalimutan mo na.
Ilang beses na nangyari sa’yo yung ganun? May maganda kang idea pero di mo nagawa, tapos nakalimutan mo na kaya napunta sa wala?
Sayang ‘di ba? Kaya dapat aksyon palagi kagad!

Mindset # 5 - Strong Self Belief

…Tiwala sa sarili.
Pag wala kang tiwala sa sarili mo… Wala din!
Hindi ka mai-inspire, hindi ka magte-take ng risk, hindi ka a-aksyon, as in walang mangyayari.
Dito magsisimula lahat ng success mo.
May tiwala ka ba sa sarili mo?
O may bulong lagi sa tenga mo na ..."ah baka hindi para sa’kin itong business na ganito!”
Nung nagsisimula pa lang ako hanggang ngayon, sa tuwing may gusto akong ma-achieve, lagi kong sinasabi sa sarili ko…
“Kung nagawa ng iba kaya ko din yan!”
Dapat ganyan ang mindset na meron ka palagi.
Kung may onting self doubt ka, ganito gawin mo….
Gawin mo yung ginagawa ng mga gorilya.
Yung kinakabog nila yung dibdib nila.
Parang gingawa ni Tarzan bago s’ya sumigaw ng WOHOHOHOHOHOHO!!!!
Alam mo ba kung bakit ginagawa ‘yan ng mga Gorilya?
Para ipakita o at iparamdam na matatag at malakas sila.
Pag minsan nawawala yung motivation mo, o ‘pag minsan nagkakaron ka ng doubt sa sarili mo, subukan mo ‘yun.
Thump your chest 3X.
It will serve as a reminder that you are strong and you are capable of achieving anything!
Kung may natutunan ka sa post na ‘to, please let me know by commenting below.

PS - Do You Want To Learn The Simplest, Fastest And Most Profitable Way To Start An Online  Business... Even If You Have ZERO Technical Knowledge​? Click Here To Watch The FREE Webinar.

To your entrepreneurial success!
Eduard Reformina