Friday, May 3, 2013

Fugitive Mancao freely gives interviews, says he would be killed in jail

Easily contacted by media but elusive to authorities, murder suspect and former police officer Cezar Mancao II said he is more secure now even as a wanted man than when he was in government custody.

He escaped from NBI detention on Thursday. CCTV video showed him casually walking out of the NBI compound in Manila through an unlocked gate.

In a dzBB interview Friday morning, he said he feared his pending transfer to Manila City Jail where he could be conveniently rubbed out. Mancao is a suspect in the killing of PR man Salvador "Bubby" Dacer and his driver Emmanuel Corbito in November 2000 in an alleged plot that involved senior police officials, including now-Senator Panfilo Lacson.

Mancao had said in an affidavit that he overheard police plotters say that Dacer had to be killed because he angered then-President Joseph Estrada, referred to by the plotters as "bigote."

In various media interviews since he escaped, Mancao showed no signs of surrendering as he said he is accepting his status as a fugitive. At least, he said, he is alive.

"Okay lang kung turingan ako nang ganyan. At least buhay ako kesa ipasok ako sa loob, baka mamaya kitilin ang buhay ko at madali ako sungkitin," he said in an interview on dzBB radio, when asked how he felt about being considered a fugitive.

"Medyo feeling ko mas secure ako sa ganitong sitwasyon," he added.

He also said he has spoken to members of his family since he escaped.

In Friday's interview, he reiterated his "request" for a "safe haven" where his "personal safety" can be ensured.

"Pinaparating ko rin naman ang aking request na sana naman kung sakali bigyan ako ng safe haven o paglagyan na ma-assure ang personal safety ko," he said.

Mancao was scheduled to be transferred to the Manila City Jail before he escaped.

“Ito nga hong dahilan sa pagtakas ko, buhay na ho ang kapalit nito. May banta na nga sa akin noong nasa NBI pa lang ako. How much more kung nandun ako sa city jail? Alam mo napakadaling mag-utos doon,” he said in an interview with GMA News' Jessica Soho  Thursday night.

Also in that interview, Mancao said he is willing to negotiate for his surrender with Justice Secretary Leila De Lima.

“Hindi ko kino-close itong aming pag-uusap ni Secretary. Sabi ko naman sa kanya, nasa negotiation din tayo. Alam mo naman, gusto ko na makapag-assure na safe ang buhay ko. Isang bala lang tayo ay dead na,” Mancao said. — LBG/HS, GMA News


Mancao, ayaw pang sumuko; mas ligtas umano siya sa pagtatago


Kahit tawagin siyang "fugitive" matapos siyang tumakas noong Huwebes sa kanyang selda sa National Buerau of Investigation, okay lamang umano ito sa kanya, ayon kay dating police superintendent Cezar Mancao II sa panayam ng dzBB nitong Biyernes ng umanga.

"Okay lang kung turingan ako nang ganyan. At least buhay ako kesa ipasok ako sa loob, baka mamaya kitilin ang buhay ko at madali ako sungkitin," sagot niya nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya sa pagtawag sa kanyang "fugitive" o pugante.

Tumakas is Mancao mula sa NBI maaga noon Huwebes, isang araw bago ang nakatakdang paglipat sa kanya sa Manila City Jail.

Ang dating opisyal ng pulis ay nasangkot sa kasong pagdukot at pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at ang driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.

Samantala, sa panayam sa telepono ni Melo del Prado ng dzBB sa kanya nitong Biyernes ng umaga, sinabi ni Mancao na ayos naman daw ang kanyang kalagayan sa ngayon.

“Medyo maluwag na konti ang aking dibdib at feeling ko mas secure ako sa ganitong sitwasyon” aniya.

Dagdag pa niya, nasorpresa umano siya sa naging resulta ng kaso dahil pagkatapos ng matagal na pag-aantay, hindi pumabor sa kanya ang korte sa kanyang nais na maging state witness.

Inakala niyang siya na ang susunod na makakalaya matapos ang order na nagpalaya kay Michael Ray Aquino, isa rin sa mga akusado, noong Dec. 17 ng nakaraang taon.

Makalipas ang limang buwan, mukhang siya pa umano ang makukulong at mako-convict.

Ayon kay Mancao, mayroon umano siyang "reliable information" na iba ang plano sa kanya sa city jail ng Maynila at dahil na rin sa marami na siyang naipakulong doon, walang kasiguruhan ang kanyang kaligtasan.

Bukod sa iniisip na kaligtasan, may mga nagpayo rin umano sa kanya hinggil sa kanayang pagtakas.

May mga maimpluwesiyang tao umano ang nagmamanipula sa kanyang sitwasyon.

Hinggil naman sa kahilingan ni Department of Justice Secretary Leila De lima na sumuko na siya upang hindi na lumala pa ang sitwasyon, sinabi ni Mancao na hindi siya susuko kung sa NBI lang din.

Kay Senador Panfilo Lacson daw kasi ang “loyalty” ng karamihan sa mga ranking officials ng NBI.

Matatandaang nadawit din si Lacson, dating boss ni Mancao, sa Dacer-Corbito double murder case.

Planong pagsuko

May plano naman umano siyang sumuko, depende sa gagawing negosasyon.

“May plano kung sa plano, ngunit maging fair lang. Nakikipag-negotiate naman tayo. Give and take lang naman 'yan at maging fair to both parties” giit niya.

Tinatawagan umano si Mancao ni sec. De Lima at direkta ang kanilang nagiging pag-uusap.

Sinabi niya na susuko lamang siya kung pagbibigyan ang kanyang mga kahilingan na siyang ipinarating kay Sec. De Lima upang masiguro ang kanyang kaligtasan at ng hindi matulad sa ibang nagiging witness na pinapatay.

Nakausap na niya umano ang kanyang pamilya hinggil sa ginawang pagtakas.

Matatandaang hindi inaprubahan ng korte ang application ni Mancao na maging state witness sa Dacer-Curbito case kaya naka-schedule siyang ilipat sana sa Manila City Jail noong Huwebes.

Pasado alas-11 ng gabi noong Miyerkules nang ihatid si Mancao sa detention facility ng NBI.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong 1:14 ng madaling araw, dala na niya ang kanyang bag at suot-suot niya ang isang bullcap. Lumabas papuntang Taft Avenue at sumakay sakay ng isang van.

Alas-8 na ng umaga nang madiskubreng wala na si Mancao sa kanyang selda. — Ryvalyn Caritativo /LBG GMA News

No comments:

Post a Comment