Labels

Showing posts with label recipe ng pobre. Show all posts
Showing posts with label recipe ng pobre. Show all posts

Monday, January 27, 2014

Ubod ng Niyog

1. (sinigang)
Hipon, maraming tubig, asin. Magic.

2. (ginataan)
 kalangtigas, hipon, asin, gata, magic.




Sinigang na Bangus

1. Ilaga ang bangus sa maraming tubig.
2. Lagyan ng labanos.
3. Lagyan ng sibuyas, at hayaang lagain.
4. Lagyan ng sampalok.
5. Asin.
6. Dahon ng kangkong.
7. Magicsarap, luto na.




Ginataan - Dahon ng Balinghoy

 Dahon ng balinghoy.
1.  Hablosan muna ang dahon sa tubig...(pakuluan muna ito sa tubig)
2. Gataan, lagyan ng konting mainit na tubig ang niyog, para lumabas ang gata... Unang gata, at pangalawang gata, lagyan din ng medyo maraming tubig.
3. Tanggalan ng tubig ang hinablusan na dahon.
4. Ilagay ang pangalawang gata, pinitpit na bawang. Tuyo, asin,takpan, haluhaluin ito, takpan. Mga 10 minute.
5. Kapag kati na ang gata, saka ilagay ang unang gata.. Huwag tapkpan para di maglangis. Lagyan ng magic sarap. Pakuluin, haluhaluin ito ng 1 minute. Luto na!


Sunday, June 9, 2013

Sinigang na Bisugo

Sangkap:
1. Isdang Bisugo
2. Pechay
3. Okra
4. Kamatis
5. Magic Sarap

Paraan:
1. Ilaga ang petchay, isunod ang okra. Ilagay ang isda. lagyan ng kamatis. kapag luto na lagyan ng magic sarap.




Sunday, April 7, 2013

Galunggong na gagawing tuyo

1. Hatiin ang isda sa gitna.
2. Ibabad ito ng magdamag sa suka, paminta at bawang.
3. Ibilad sa araw hanggang matuyo.

Ginanga na Hulyasan

Sangkap:
1. isdang hulyasan
2. suka
3. paminta
4. bawang
5. bitsin

Paraan:
1. Ilagay sa kaserola ang isda, lagyan ng suka, paminta, bawang lang muna. Lutuin muna sa suka, kapag kumulo na ito at kumate ang sabaw ay dagdagan ng tubig at kapag luto na ay lagyan ng bitsin.



Tuesday, March 19, 2013

Punaw

Sangkap
1. Langis, bawang, sibuyas, luya.
2. Punaw
3. Asin
4. Flavoring - magic sarap


Paraan:
1. Sa kaserola, igisa ang bawang, luya. sibuyas. isunod ang punaw. lagyang ng tubig na marami, lagyan ng asin, takpan at pakuluin. kapag luto na lagyan ng magic sarap.


Tuesday, February 26, 2013

Adobong Sitaw

Sangkap:
1. Sitaw
2. Kaunting karne (panglahok lang, pwedeng iba)
3. Langis, bawang, sibuyas
4. Toyo
5. Paminta
6. Magic Sarap Flavoring

Paraan:
1. Igisa ang bawang sibuyas. Kasunod ang karne (papulahin). Lagyan ng Toyo. Isunod ang Sitaw, sunod ang paminta, lagyan ng tubig. Takpan ang kawali at hayaang kumulo ng ilang minuto. Kapag luto na lagyan ng magic sarap.




Friday, February 22, 2013

Alamang

Sangkap:
1. Alamang
2. Kamatis (pwedeng wala nito)
3. Karneng Taba (pwedeng wala nito)
4. Langis, bawang. sibuyas, asin, magic sarap flavoring.

Paraan:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, isunod ang kamatis, alamang, konting asin, Kapag medyo luto na ilagay ang magic sarap.

Wednesday, January 30, 2013

Laing

























Sangkap
1 dilis na maliit yung durog
2 gabi na mura , gayatin lang ng kamay at patuyuin ito sa araw at ang tangkay ay tanggalan ng mga parang tali
3 gata ng niyog , 3 niyog, yung unang gata ang panghuling ilalagay para malasa, tatlong gataan

Paraan:
1.Gataan ang niyog. Nilagyan ng konting mainit na tubig. Unang gata. Nilagyan ng normal na tubig medyo, marami. Pangalawang gata.

2. Lutuin muna ang dilis sa kawali , walang langis hanggang mag amoy sunog or brownies na ang kulay.
3. Ilagay sa kawali ang gata yung huli munang gata, pagsamasamahin ang dilis na naluto. Dahon ng gabi at tangkay nito. Asin, Suka, ginayat na maliliit na luya at takpan, hayaang kumulo.
4.kapag kumati na at malambot na ang dahon saka dagdagan unang gata, yung unang gata ang panghuli dahil ito ay puro, pakuluan lang nang konti at luto na.
(kapag kumati kaagad ang pangalawang gata at matigas pa ang dahon, lagyan na lang ng tubig na mainit)


Saturday, January 26, 2013

Ginataang Langka

Sangkap:
1. Langka
2. Gata ng Niyog
3. Dilis na Tuyo or Sardinas
4. Asin
5. Bitsin

Paraan:
1. Isangag ang dilis sa kawali ng walang langis hanggang sa lumutong.
2. Gayatin sa maliliit ang langka. Tapos ilaga sa tubig para lumambot huwag tanggalin ang tubig na natira.
3. Ilagay ang pangalawang gata, dilis or sardinas, asin, pakuluan.
4. Ilagay ang unang gata kapag kumati na ang sabaw. Lagyan ng bitsin.

Wednesday, December 26, 2012

Ginataang kalabasa at sitaw

Sangkap
1. Kalabasa 
2. Sitaw
3. Gata ng Niyog
4. Katang or Hipon
5. Asin


Paraan:
1. Gata ng niyog 2 beses. una at pangalawa.
2. Pinalambot muna ang sitaw pinakuluan muna sa tubig.
3. Pinag sama sama na ang sitaw, kalabasa , 2nd gata, asin at hipon.

4. Pakuluin at takpan, kapag malapit nang maluto. lagyan ng 1st na gata, bitsin or magic sarap.


Wednesday, November 28, 2012

Adobo sa Gata



Papaya


1. Ilagay ang manok sa kawali ( wala kahit ano)
2. Lagyan ng pangalawang gata, bawang , paminta, takpan at pakuluin ng ilang minuto.
3. Ilagay ang papaya. Ilagay din ang unang gata, takpan at pakuluan.
4. Lagyan ng suka at bitsin, kapag malapit nang maluto. saka ilagay ang dahon ng sili at magic sarap.


Pansit Chami 1

Mga Sangkap:

1. Pansit
2. Knorr cubes
3. Toyo
4. Paminta
5. Bitsin
6. Langis
7. Bawang
8. Sibuyas
Pansit medium
Mga Sangkap
Paraan:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, isama din ang knorr cubes, lagyan ng toyo.


 2. Lagyan ng tubig, Lagyan ng paminta. pakuluin muna.


3. Gayatin muna ang pansit, then saka sya ilagay.


 4. Takpan ito. Kapag naluto na lagyan ng bitsin.


Luto na sya


Pansit na chami

Sangkap
1.      Pansit
2.      Soriso
3.      Bawang at sibuyas
4.      Knorr cubes
5.      Bitsin

Paraan:
Ihanda at gayatin ang bawang, sibuyas at Soriso





















 Igisa ang bawang sibuyas, at isama na din ang soriso at knorr cubes





















Lagyan ng tubig


















 Paminta




















At  ilagay na ang pansit, takpan ito hanggang sa kumulo at luto na




Sunday, November 25, 2012