May nangyaring hindi inaasahan kahapon.
Muntik na kong mapaiyak sa tuwa, excitement at sa kaba.
Record breaking ng company namin kahapon.
We achieved yung tinatawag kong 24 and 7
24 hours and 7 figure income!
Nagawa kumita ng business ko ng 1 million revenue sa loob ng isang araw ( P1,038,930 to be exact).
6 years ago wala akong idea na posible ‘yan.
Kung sasabihan mo ‘ko na pwede akong kumita ng isang milyon sa isang araw …baka isipin ko na baliw ka.
Nung napasok ako sa internet marketing alam kong merong possibilities na kumita ng 7 figure sa isang araw. Pero di ko ine-expect na magagawa natin ‘yun kagad.
Lilinawin ko lang din na malaking percentage nito ay mapupunta sa mga affiliate partners (Dahil galante tayo mamigay ng commissions). Tsaka syempre malaking percentage mapupunta sa tax.
Very thankful ako dahil sa mga partners ko at sa mga coaches walang sawang sumusuporta.
Goal na makapag create ng 100+ self made milllionaires, at 1000+ na 6 figure earners in the next 5 years.
Ngayon kung gusto mong malaman kung pano ma-achieve yung pambihirang results tulad nito, meron akong gustong i-share na 4 na tips sa’yo.
TIP #1. Know Where You Want To Go
Kaylangan alam mo kung saan ka pupunta. Ito yung pinaka simple at unang part ng magiging success mo.
Pero marami sa mga tao, dito pa lang bagsak na.
Marami akong kakilala na tinatanong ako ng ganito…
"Pano ba ko magkakaresulta? Ginagawa ko naman ang lahat, ibat-iba na ang nasalihan ko pero wala pa rin nangyayari!"
Tapos tatanungin ko sila…
Me: "Ano ba ang goal mo?"
Sagot nila madalas...
Friend: "Ahhh gusto kong kumita ng malaki. Gusto kong maging successful!"
Me: "OK magkano yung eksaktong monthly income na tinatarget mo?"
Friend: "Hindi ako sure eh. Basta gusto ko malaki."
Hindi pwede na basta gusto mo lang kumita ng malaki o basta gusto mo lang maging successful. Kaylangan alam mo yung eksaktong gusto mong mapuntahan. Alam mo dapat kung ano yung ibig sabihin ng success para sa'yo.
Successful ba para sa'yo kung kumikita ka na ng 100K na income per month?
Successful ba para sa'yo kung kumikita ka na ng 1 million per year?
Tanungin kita… Kunwari may lugar ka na gustong puntahan.
Kaso hindi mo alam yung eksaktong address, makakarating ka ba dun?
HINDI!
Maliligaw ka at baka kung saan ka mapunta.
Yung specific at monthly income or yearly income ang address na kaylangan alam na alam mo para makarating ka sa goal mo.
TIP #2. Learn How To Get There
Kapag alam mo na kung ano yung goal mo, ang susunod na gagawin mo ay…
Alamin kung ano yung mga kaylangan mong matutunan, at alami kung ano yung mga kaylangan mong gawin para makapag move forward ka sa goal mo.
Kaylangan mo bang mag-bike, sumakay ng train, mag-bus, etc.
Sa business..
Kaylangan mo bang magaral ng mga bagong skills?
Kaylangan mo bang gumawa ng websites?
Kaylangan mo bang bumili ng mga training courses?
Kaylangan mo ba ng mga mentors?
Kalangan mo bang umattend ng mga seminars at training?
Kaylangan mo bang mag-drive ng traffic sa website mo?
Etc...
TIP #3. Take Massive Action And Go There
Kapag alam mo na kung paano ka pupunta sa pupuntahan mo, ang susunod na gagawin mo ay ikilos yung mga paa mo para humakbang.
Lahat ng tao may pangarap. Pero ilan lang ang mga tao na gumawa ng aksyon at nag-effort para kunin yung mga pangarap nila.
Hindi sapat na may mga pangarap ka. Hindi sapat na alam mo kung pano pumunta dun. Kaylangan kumilos ka para pumunta dun sa lugar na gusto mong mapuntahan!
Kumilos ka kagad at gawin yun.
Ngayon na alam mo na kung ano ang pupuntahan mo, at alam mo na rin kung paano ka pupunta duon, ito naman ang susunod na gagawin mo...
TIP #4. Become Unstoppable
Not stopping and not giving up until you succeed and achieve your goal.
Kahit ano pang goals o pangarap na meron ka ngayon, sigurado may ibang tao nang nakakuha n'yan.
Ibig sabihin, kahit gano pa kalaki yang pangarap mo posibleng makuha 'yan. Kaya wag mong sasabihin sa sarili mo na imposible.
Sa pagkuha mo ng mga pangarap mo, may mga hahadlang sa'yo. Wag mo i-e-expect na very smooth lang ang byahe mo.
May mga humps at mga lubak ka na madadaanan.
Kaylangan mo lang gawin ay magtuloy-tuloy at malampasan ang mga balakid na yun.
Wag na wag mong gagawin ay huminto at umurong pabalik.
I love this quote…
“If you want what 99% of the population will never have… you must be willing to do what 99% of the population will never do.”
May you reach your dreams!