Wednesday, January 30, 2013

Laing

























Sangkap
1 dilis na maliit yung durog
2 gabi na mura , gayatin lang ng kamay at patuyuin ito sa araw at ang tangkay ay tanggalan ng mga parang tali
3 gata ng niyog , 3 niyog, yung unang gata ang panghuling ilalagay para malasa, tatlong gataan

Paraan:
1.Gataan ang niyog. Nilagyan ng konting mainit na tubig. Unang gata. Nilagyan ng normal na tubig medyo, marami. Pangalawang gata.

2. Lutuin muna ang dilis sa kawali , walang langis hanggang mag amoy sunog or brownies na ang kulay.
3. Ilagay sa kawali ang gata yung huli munang gata, pagsamasamahin ang dilis na naluto. Dahon ng gabi at tangkay nito. Asin, Suka, ginayat na maliliit na luya at takpan, hayaang kumulo.
4.kapag kumati na at malambot na ang dahon saka dagdagan unang gata, yung unang gata ang panghuli dahil ito ay puro, pakuluan lang nang konti at luto na.
(kapag kumati kaagad ang pangalawang gata at matigas pa ang dahon, lagyan na lang ng tubig na mainit)


Saturday, January 26, 2013

Ginataang Langka

Sangkap:
1. Langka
2. Gata ng Niyog
3. Dilis na Tuyo or Sardinas
4. Asin
5. Bitsin

Paraan:
1. Isangag ang dilis sa kawali ng walang langis hanggang sa lumutong.
2. Gayatin sa maliliit ang langka. Tapos ilaga sa tubig para lumambot huwag tanggalin ang tubig na natira.
3. Ilagay ang pangalawang gata, dilis or sardinas, asin, pakuluan.
4. Ilagay ang unang gata kapag kumati na ang sabaw. Lagyan ng bitsin.